Nadagdagan ng 27 ang bilang ng mga nahuling lumalabag dahil sa ipinatutupad na COMELEC gun ban ngayong araw.
Ito ang dahilan ayon sa Philippine National Police o PNP kaya’t umakyat na sa 370 ang kabuuang bilang ng mga gun ban violators sa buong bansa.
Nagmula ito sa mga lugar ng NCR, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON at rehiyon ng SOCCSKSARGEN gayundin sa Eastern, Central at Western Visayas.
Pawang mga sibilyan ang mga nahuli sa nakalipas na magdamag kung saan ay nakakumpiska ang pulisya ng 16 na armas, 30 bala at 10 iba pang deadly weapons.
Patuloy ang paalala ng PNP na suspendido ang lahat ng permit to carry firearms outside of residences at bawal ang anumang matatalas o nakamamatay na bagay.