Nadagdagan pa ng 26 ang bilang ng mga nahuhuling indibidwal ng Philippine National Police (PNP) dahil sa palabag sa pina-iiral na gun ban ng Commission on Elections (COMELEC).
Batay sa datos ng PNP Command Center, aabot na sa 2,003 ang kabuuang bilang ng mga naaresto buhat nang magsimula ang panahon ng Halalan nuong Enero 9.
Mula sa kabuuang bilang, aabot sa 1,923 na mga nahuling lumabag ay mga sibilyan, 37 ang mga Security Guard, 14 ang mga Pulis, 9 ang Sundalo at may 20 iba pa.
Aabot naman sa 1,537 ang bilang ng mga nasamsam na armas, 727 ang mga deadly weapon kabilang na ang may 82 na mga pampasabog at 8,537 na mga bala.
Nasa 732 ang naaresto sa Metro Manila, 220 sa CALABARZON, 208 sa Central Visayas, 186 sa Central Luzon at 113 naman sa Western Visayas. – ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)