Pumalo na sa 46,452 ang bilang ng mga lumikas isang linggo matapos ang paghagupit ng bagyong Karding .
Batay ito sa pinakabagong tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw.
Kung saan 3,098 mula sa bilang na ito ay nanatili pa rin sa 26 na evacuation centers, habang ang iba ay nasa ibang lugar.
Ang mga naapektuhan ay mula sa 30 probinsya sa Region 1, 2, 3, 4A, 4B, 5 at Cordillera
Habang mahigit isang milyong tao o nasa 300,000 pamilya naman sa buong Luzon ang naapektuhan din ng bagyo.