Umakyat na sa mahigit 40,000 ang bilang ng mga inilikas sa California dahil sa Wildfire.
Ayon sa mga otoridad , nahihirapan silang apulahin ang apoy dahil sa malakas na ihip ng hangin sa lugar.
Dahil dito , apektado na rin ang mga byahe dahil halos hindi na malinaw ang mga kalsada dahil sa maitim na usok.
Sa ngayon ay nagdeklara na ng red alert status ang mga otoridad sa lugar para maiwasan ang anumang aksidente sakaling makarating sa kanila ang nasabing sunog.