Umabot na sa mahigit 5 milyong Ukrainians ang napilitang lumikas sa kanilang bansa mula nang lusubin sila ng Russia noong Pebrero 24.
Ayon sa United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR), mahigit kalahati sa naturang bilang ay pawang mga bata.
Sa kabuuan, mahigit 10 milyong Ukrainians ang nawalan ng tirahan dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan sa naturang bansa.
Aabot naman sa 13 milyong indibidwal ang pinaniniwalaang na-trap sa mga pinakaapektadong lugar sa Ukraine.