Lilimitahan lamang sa limampung (50) trekkers lamang ang papayagang umakyat sa mga trail ng Mount Apo kada araw.
Ito ang inihayag ng Mt. Apo Protected Area Management Board kasunod ng kanilang resolusyong buksan muli ang bundok sa Abril 12 o Miyerkules Santo.
Layon nitong maprotektahan ang pinakamataas na bundok sa bansa bunsod ng nangyaring forest fire noong nakalipas na taon na siyang nagresulta sa indefinite closure nito.
Mayroon anim na trails ang Mt. Apo na maaaring daanan ng mga hikers tulad ng Kidapawan, Makilala at Magpet Trails sa North Cotabato gayundin ang Digos, Sta. Cruz at Bansalan Trails sa Davao del Sur.
By Jaymark Dagala
Photo: Province of Cotabato / Website