Nasa 19% lamang ng mga mag-aaral sa buong bansa ang nakatanggap ng kumpletong bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Department of Education (DepEd) spokesperson Michael Poa, ang mababang bilang ay dahil sa hindi mandatoryong COVID-19 vaccination program ng pamahalaan.
Sa kabila nito, nasa 92% ang vaccination rate ng mga guro at non-teaching personnel.
Una nang sinabi ng kagawaran na magsasagawa ito ng mobile vaccination sa mga paaralan para mapataas ang bilang ng mga nababakunahan na mag-aaral.