Asahan nang lalo pang lalala ang antas ng kahirapan sa bansa sa susunod na taon.
Ito’y ayon sa Ibon Foundation matapos aminin ng NEDA na posibleng hindi nila makamit ang target na 14 na porsyentong poverty alleviation rate dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Ibon Foundation Executive Dir. Sonny Africa, dahil sa malawakang kawalan ng trabaho at kakaunting ayuda para sa mga apektado ng pandemya, masyadong mababa ang target ng NEDA.
Kasunod nito, pinatutsadahan pa ni Africa ang gobyerno sa pagsasabing may pera ang pamahalaan basta’t gagamitin lang ito ng tama at ibibigay direkta sa taumbayan.