Unti-unti na umanong nagbubunga ang mga hakbang ng pamahalaan upang mapababa ang bilang ng mga mahihirap sa bansa.
Ito’y makaraang lumabas sa pinakabagong pag-aaral ng Philippine Statistics Authority o PSA na bumaba ang bilang ng mga mahihirap na Pilipino nuong 2015.
Nakapagtala ng 21.6 % na poverty incidence ang Pilipinas nuong isang taon o mas mababa ng 4.7 %na poverty threshold nuong 2009 na nakapagtala ng 26.3 %.
Ayon ay National Statistician Lisa Grace Barsales, nalampasan ng kasalukuyang bilang ang target na itinakda ng pamahalaan para sa taong 2015.
Pinakamalaking ambag sa naturang bilang ang mga programang inilunsad ng gubyerno partikular na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4 P’s.
Kasunod nito, kumpiyansa si Bersales na magtutuluy-tuloy pa ang pagbaba ng antas ng kahirapan sa bansa sa ilalim ng Administrasyong Duterte lalo’t nadagdag sa 4 P’s program ang rice assistance.
By: Jaymark Dagala