Pumalo na sa 22K ang bilang ng mga manggagawang nagsumite para sa 5K cash aid program ng Department of Labor and Employment.
Ayon kay Labor Assistant Secretary Dominique Tutay, umabot na sa 5K aplikasyon ang naaprubahan base sa ebalwasyon ng regional offices, 12K naman ang for evaluation habang mahigit 4K ang biniberipika pa.
Matatandaang kwalipikado lamang sa nasabing programa ang mga empleyadong nawalan ng trabaho dahil sa permanenteng pagsasara ng kanilang mga kumpanya at mga manggagawang nasuspindi dahil sa pansamantalang pagsasara ng mga negosyo sa ilalim ng alert level 3. —sa panulat ni Airiam Sancho