Posibleng mas dumami pa ang manigarilyo sa publiko kasunod ng desisyon ng Court of Appeals (CA) na hindi otorisadong manghuli ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga naninigarilyo sa kalye.
Ayon kay dating Philippine Medical Association President Dr. Leo Olarte, ang paninigarilyo ang magdudulot ng panganib sa kalusugan at malaking kontribusyon sa polusyon sa hangin.
Sinabi ni Olarte na kung may problema sa pagpapatupad ng Republic Act 9211 o Tobacco Regulation Act of 2013 ay dapat na amyendahan ito ng Kongreso.
“’Yun ang sinasabi na the law is hard, but it is the law, ‘yun ang batas, so not until the Congress will amend the law or change the law, yun ang interpretasyon ng korte.” Pahayag ni Olarte.
By Rianne Briones | Ratsada Balita