Patuloy din ang pagtaas ng bilang ng ibang mga sakit maliban sa mga dinadapuan ng COVID-19.
Ayon kay Philippine Hospital Association President Jaime Almora, sa kanilang mga ospital, mas maraming nagpupunta dahil sa mga non-covid problems gaya ng dengue at influenza.
Nagkukulang na rin ani Almora ang mga manpower hanggang ngayon sa mga ospital, kaya’t diskarte ng mga ito na kumuha ng maraming nursing aides.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang paghahanda ng mga ospital para sa posibleng pagdami pa ng mga pasyenteng dinadapuan ng COVID-19.