Umakyat na sa mahigit 289,000 ang bilang ng mga lumalabag sa quarantine protocols ngayong nakapailalim pa rin ang Metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ito’y batay sa datos ng Joint Task Force COVID-19 shield ng Philippine National Police (PNP) mula Agosto 21 hanggang Setyembre 12.
Mula sa naturang bilang, nasa mahigit 174,000 ang nasita, 99,000 naman ang pinagmulta habang 15,000 naman ang iba pang lumabag.
Una rito ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, nagbigay direktiba na siya sa mga pulis sa Metro Manila na pag-aralan ang ipatutupad na bagong quarantine classifications upang maiwasan ang kalituhan.