Pumalo na sa 6.5 milyong kabataan edad 12 hanggang 17, ang ganap ng bakunado kontra COVID-19 sa bansa.
Ito’y ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr., makaraan ang ilang buwang pagtuturok ng COVID-19 vaccines ng pamahalaan sa nasabing age-group.
Sinabi pa ng kalihim na ikinatuwa nila ang mataas na bilang ng mga nagpabakunang kabataan ngayong pinayagan na ng pamahalaan ang pagsasagawa ng limited in-person classes.
Samantala, magkakaroon ulit ng phase 2 ang “Bayanihan, Bakunahan” ngayong buwan ng Disyembre. —sa panulat ni Joana Luna