Pumalo na sa 20 ang bilang ng mga migranteng nasawi matapos ang pagtaob ng isang bigboat sa baybayin ng Athens, Greece.
Batay sa imbestigasyon ng International Coast Guard, sakay ng nasabing bangka ang 68 migrante mula sa Izmir, Turkey nang hampasin ng malalaking alon ang kanilang sinasakyan.
Kabilang sa mga pasaherong sakay, ang mga Egyptian, Afghans, at Iranians kung saan, 36 na indibidwal pa ang nawawala at patuloy pang pinaghahanap.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang operasyon ng mga otoridad, matapos ang insidente.