Tiniyak ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na magiging epektibo pa rin ang kanilang mga traffic constables sa pagtupad ng kanilang mandato bilang tagapagpatupad ng batas trapiko.
Ito’y ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia ay kahit pa nabawasan na ang kanilang mga constables dahil nagbitiw o di kaya’y nasibak dahil sa katiwalian.
Batay sa tala ng MMDA, 30 porsyento na ang nabawas sa kanilang hanay na nasa 2,188 mula sa dating 3,188.
Pero aminado si Garcia, kulang na kulang pa rin ito para matugunan ang pagmamando ng trapiko sa buong kalakhang Maynila na aabot sa kabuuang 7,000 constables.
RPE