Nagsimula nang bumuhos ang mga motorista sa North Luzon Expressway (NLEX) kaninang umaga.
Ayon sa NLEX Corporation, madaling araw pa lamang ay nakaranas na ng pagbagal sa daloy ng trapiko sa Mindanao Toll Plaza maging sa Balintawak at Camachile.
Dahil dito, pinapayuhan ng pamunuan ng NLEX ang mga motorista na magbaon ng mahabang pasensya dahil sa inaasahang exodus ng mga biyahero para sa nalalapit na Kapaskuhan.
Ngayong araw inaasahang mas sisikip ang daloy ng trapiko sa Metro Manila dahil ito na rin ang huling weekend bago mag-Pasko.
Samantala, nagsimula na ring dumagsa ang mga pasahero sa Araneta Bus Station sa Cubao Quezon City ngayong araw.
Mas hinigpitan na ang seguridad sa lugar.
(As of 11:00am)
Mga pasahero nagsimula nang dumagsa sa Araneta Bus Station sa Cubao | via @JILLRESONTOC pic.twitter.com/HtYDb6Gp5u— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 21, 2018
—-