Pumalo na sa mahigit 4,500 pamilya o katumbas ng humigit kumulang labing walong libo walongdaang indibiduwal ang apektado ng kalamidad sa Ilocos Norte
Bunsod pa rin ito ng mga pag-ulang dulot ng hanging Habagat na pinaigting pa ng bagyong Ineng na ngayo’y nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility
Ayon sa NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council, ang mga apektadong bayan ay ang Piddig, Sarrat, Pasuquin, Pagudpud, Marcos at San Nicolas
Gayundin ang mga Bayan ng Burgos, Batac City, Paoay, Dingras, Bacarra maging ang Laoag City At Vintar na una nang nagdeklara ng State of Calamity
Samantala, aabot naman sa 263 milyong piso ang naitalang pinsala sa sektor ng imprastraktura habang nasa mahigit 19 na milyong piso naman ang naitalang pinsala sa sektor ng Agrikultura