Umabot na sa mahigit 200,000 indibidwal ang naapektuhan ng magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon noong Miyerkules.
Batay sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pumalo na sa kabuuang 228,238 mula sa 76,260 ang naapektuhang indibidwal na naitala kahapon.
Tumaas din ang bilang ng mga apektadong pamilya sa 62,024 mula sa 19,486 kahapon.
Nasa 1,910 pamilya o katumbas ng 6,176 katao naman ang nawalan ng tirahan na ngayo’y nasa 46 evacuaton centers habang 6, 490 pamilya o katumbas ng 27,207 indibidwal ang naninirahan sa kanilang kamag-anak.
Samantala, sumampa na sa sampu ang bilang ng mga nasawi habang mahigit 300 ang sugatan.