Umakyat na sa mahigit 22,000 pamilya ang apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal sa rehiyon ng CALABARZON.
Batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 22,472 na pamilya o katumbas ng nasa 96,061 na indibidwal ang apektado sa Batangas, Cavite, Laguna at Quezon.
Mula sa nabanggit na bilang, 16,174 na pamilya o 70,413 na indibidwal ang kasalukuyang nanunuluyan sa may 300 evacuation centers.
Bahagyang naibalik naman ang suplay ng kuryente sa mga bayan ng Amadeo, Tagaytay, Alfonso, Indang at Mendez sa Cavite.
Gayundin sa Calamba at Cabuyao sa Laguna; Lipa City, Tanauan City at bayan ng Malvar sa lalawigan ng Batangas.