Aabot sa mahigit 154,000 ang naitalang lumabag ng Joint Task Force COVID-19 Shield sa umiiral na mga quarantine protocols sa buong bansa.
Ito’y mula Marso 17 hanggang Abril 30 o 45 araw na mula nang isailalim ang Luzon sa enhanced community quarantine (ECQ) at iba pang panig ng Pilipinas.
Ayon kay Joint Task Force COVID-19 Shield Commander P/Ltg. Guillermo Eleazar, nasa 39, 632 rito ang mga naaresto.
Mahigit 30,000 rito ang pormal nang kinasuhan habang mahigit 9,000 naman ang na-inquest kung saan, mahigit 2,000 rito ang nananatili pa ring nakakulong.
Mahigit 10,000 naman sa mga lumabag ang pinagmulta, 798 na mga naaresto dahil sa pananamantala habang nasa mahigit 10,000 public utility vehicles na patuloy pa ring namasada ang kinastigo ng mga awtoridad.
Giit ni Eleazar, simple lang ang kanilang paki-usap sa publiko na sumunod sa mga patakaran upang hindi mapasama sa bilang ng mga naaresto at masampahan ng kaso.