Umabot na sa 147 ang inaresto dahil sa vote buying at selling.
Ayon kay PNP Spokesman, Col. Bernard Banac, karamihan sa mga nahuli ay mula sa Metro Manila at naaktuhang tumatanggap o nagbibigay ng pera kapalit ng pabor sa ilang kandidato.
60 ang inaresto sa Makati City, 17 sa Muntinlupa, anim sa Quezon City at isa sa Malabon habang nagsagawa rin ng operasyon sa Calabarzon.
Hinimok naman ni Banac ang publiko na tumulong sa mga pulis sa pag-dokumento ng mga election violation, panatilihin ang ebidensya at agad magsumbong sa mga otoridad matapos ang bawat insidente.