Nananatiling mababa ang vaccination output o kabuuang bilang ng mga nababakunahan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at sa Region 4-B o Mimaropa.
Ayon kay Health Undersecretary and National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Dr. Myrna Cabotaje, nasa 15,000 lamang ang nabakunahan sa BARRM habang labing apat 14,000 naman sa Mimaropa sa ginanap na ikaapat na “Bayanihan, Bakunahan”.
Dahil dito, pinag-iisapan na nilang mag-restrategize at palawigin pa ang malawakang bakunahan ngayong darating na linggo lalo na sa mga lugar na may mababang vaccination rates.
Giit ni Cabotaje, hindi sumusuko ang mga health workers at vaccinators na hikayatin pa ang mga residente sa mga nasabing lugar para magpabakuna na.
Pero sa kabila nito, maganda ang resulta ng pagbabakuna sa mga batang edad lima hanggang labing isa sa BARMM na pawang nakatanggap na ng kani-kanilang unang dose.—sa panulat ni Abie Aliño-Angeles