Pumalo na sa 215, 997 ang bilang ng mga nabakunahan sa bansa kontra COVID-19.
Sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH), sa 1, 125, 600 available doses sa bansa naipamahagi na ang 96% nito o 1, 079, 400 sa iba’t-ibang vaccination sites sa bansa.
Mababatid na sa ngayon ay nasa 929 na ang vaccination sites ang nagsasagawa ng pagbabakuna sa 17 rehiyon sa Pilipinas.
Kasunod nito, tiniyak ng pamunuan ng National Task Force against COVID-19 at ng health department na bibilis pa ang ginagawang vaccination program ng pamahalaan oras na dumating sa bansa ang iba pa mga bakuna kontra COVID-19.