Patuloy na tumataas ang vaccination rate ng estudyante, guro at non-teaching personnel sa tertiary level.
Batay sa datos hanggang nitong December 9, nasa 247,604 ng 292,969 na mga teaching at non-teaching personnel sa Higher Education Institutions sa bansa ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Ayon kay CHEd Chairman Popoy De Vera, 85.81 percent ang mga nakatanggap na ng unang dose ng bakuna.
Aniya, sa 4,099,604 na tertiary students, 56.41% ang nakatanggap ng isang dose kung saan nangangahulugan ito na umabot na sa mahigit 2,310,000 ang bilang ng mga nabakunahang estudyante.