Aabot na sa higit 7,000 kabataan na ang nabigyan ng anti-polio vaccine ng Department of Health (DOH) sa buong bansa.
Batay sa tala ng Philippine Red Cross pinakamaraming bilang ng nabakunahan sa Pasay City na may higit 1,500 kabataan.
Sinundan ito ng Davao City na nakapagbakuna ng higit 1,400.
Sa ngayon, nagtutulungan pa rin ang DOH at PRC para labanan ang sakit na polio.