Pumalo na sa kabuuang 736, 880 edad 5 hanggang 11 ang nabakunahan kontra COVID-19 nang magsimula ang Pediatric Vaccination noong Pebrero a-7.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, inaasahan ng kagawaran na tataas pa ang nasabing bilang sa mga darating na linggo kaya’t hinihikayat nila ang mga magulang na iparehistro ang kanilang mga anak.
Nasa 9.5-M kabataan naman ang ganap na nabakunahan habang umabot na sa 10M ang naturukan ng booster shot.
Tiniyak naman ni Vergeire sa publiko na ang lahat ng bakunang ibinibigay bilang booster shot ay may magandang kalidad at maaaring magbigay ng karagdagang proteksyon laban sa pagka-ospital o maging ng kamatayan dahil sa COVID-19. —sa panulat ni Airiam Sancho