Umabot na sa mahigit anim na raang libo (663,384) na nasa edad lima hanggang labing isa ang nabakunahan kontra COVID-19 matapos simulan ng gobyerno ang pediatric vaccination.
Ayon kay Health Undersecretary and National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson Dr. Myrna Cabotaje, malaki ang interes ng mga menor de edad sa nasabing bakunahan.
Gayunpaman, sinabi niya na may kakulangan sa suplay ng reformulated low-dose Pfizer vaccine para sa mga bata sa buong mundo.
Matatandaang target ng gobyerno na mabakunahan ang 1.7 million mula sa 7 million sa naturang age group. —sa panulat ni Airiam Sancho