Nakapagtala ng 3% pagtaas sa bilang ng mga nabiktima ng paputok ang Department of Health (DOH) sa Disyembre ng 2019 kumpara sa kaparehong panahon noong 2018.
ito ay matapos maitala ang DOH ang 62 kaso ng firecracker related injuries mula lamang December 21 hanggang kahapon, December 31.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, maiuugnay ang mabilis na pagtaas sa bilang ng mga biktima ng paputok sa magandang lagay ng panahon ngayong Disyembre kumpara noong nakaraang taon.
Gayunman, iginiit ni Duque na mababa pa rin ang nasabing bilang ng 63% kumpara sa average na 159 na kaso sa loob ng 5 taon.