Sumampa na sa mahigit 100,000 ang bilang ng mga kaso ng dengue sa unang 10 buwan ng taong 2015.
Sa datos ng Epidemiology Bureau ng Department of Health o DOH, naitala ang mga kasong ito mula Enero 1 hanggang Oktubre 3 kung saan mas mataas ito ng 31.9 percent kumpara sa kaparehong panahon noong 2014.
Nanguna sa listahan ng pagtaas ng kaso ang Region 3 na nakapagtala ng 16.3 percent, sinundan ng Region 4-A na mayroong 16 percent at National Capital Region o NCR na taglay ang 12.1 percent.
Pinayuhan ng DOH ang publiko na magpatingin agad sa doktor kapag umabot na ng dalawa hanggang tatlong araw ang lagnat.
Muli ring hinimok ng ahensya ang mga mamamayan na maglinis ng paligid para malabanan ang dengue.
By Jelbert Perdez