Mababa ang turn out ng mga nag-enroll sa Senior High School.
Ipinabatid ito ng Department of Education (DepEd) sa gitna na rin nang pagsisimula ng full implementation ng K to 12 program sa Lunes, June 13.
Ayon sa DepEd, 300,000 pa lamang ang nakapag-enroll para sa senior high mula sa mahigit 1 milyong estudyante na inaasahang papasok sa Senior High School ngayong school year.
Dahil dito, patuloy na hinihomok ng DepEd ang mga magulang na i-enroll na sa senior high ang kanilang mga anak dahil malaking tulong ito bilang paghahanda ng mga estudyante sa kolehiyo.
By Judith Larino