Mahigit 22.5 milyong estudyante na ang nag-enroll para sa school year 2022-2023.
Sa nabanggit na bilang, 22.4 million ang mga nagpatala para sa formal education habang nasa 112,938 ang bilang para sa Alternative Learning System (ALS).
Sa datos mula sa Learner Information System ng Department of Education (DepEd) hanggang nitong August 18, mahigit 19.7 milyong mga estudyante ang nagpatala mula sa pampublikong paaralan, habang mahigit 2.6 milyon ang nasa pribadong eskwelahan.
Pinakamaraming naitalang enrollees mula sa Region 4-A, na may mahigit 3.2 milyong mag-aaral habang mahigit 2.4 milyon naman ay mula sa Region 3 at 2.3 milyon sa National Capital Region.
Magpapatuloy ang enrollment hanggang sa Lunes, Agosto 22, 2022, kung saan, maaaring magpatala sa pamamagitan ng in-person, remote, at dropbox.