Bumaba ang bilang ng mga mag-aaral na nagpa-enroll sa muling pagbubukas ng klase sa MSU o Mindanao State University kahapon.
Ayon kay Atty. Jamaloden Basar, Vice President for Administration and Finance ng MSU, mula sa tinatayang 12,000 enrolees kada taon ay naging 8,000 na lamang ito.
Gayunman tiwala si Atty. Basar na muling tataas ang bilang ng mga mag-aaral na magpapa-enroll sa sandaling matapos na ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at grupong Maute sa Marawi City.
Samantala, nilinaw ng Joint Task Force Marawi na natuloy ang pagsisimula ng klase kahapon sa nabanggit na unibersidad sa kabila ng mga report ng naganap na pag-atake sa bayan ng Marantao na katabing bayan lamang ng Marawi City.
By Arianne Palma