Aabot na sa animnapu’t dalawang milyon ang mga botanteng nakapagrehistro na para sa 2022 national at local elections.
Ito’y base sa pinakahuling datos ng Commission on Election o Comelec kahapon.
Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez, ang bilang ng nagpa-reactivate ng kanilang rehistro ay nasa higit walong daang libo habang na sa mahigit limang milyon naman ang mga bagong botanteng nagparehistro .
Posible aniyang madagdagan pa ito matapos palawigin ng ahensya ang voter registration hanggang sa a trenta ng Oktubre.
Sa ngayon, patuloy ang paghahain ng Certificate of Candidacy o CoC ng mga kakandidato sa susunod na halalan.
Samantala, nanawagan si Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa publiko na samantalahin ang pinalawig na voter registration para sa karapatang bumoto.