Tumaas ang daily vaccination rate sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Maliban dito, ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, naabot din ng BARMM ang kanilang 40% na target na makabunahan.
Batay sa datos mula sa Ministry of Health ng rehiyon, nabakunahan na kontra COVID-19 ang halos 700 thousand (676,574) mula sa 2.9 million target population.
Ang BARMM ay kinabibilangan ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, at Marawi City.