Apat (4) na Overseas Filipino Workers (OFW’s) na sa Hong Kong ang nagpakamatay ngayon lamang buwan ng Enero 2016.
Katumbas na ito ng kabuuang bilang ng OFW’s sa Hong Kong na nag suicide para sa buong taon ng 2015.
Ayon kay Vice Consul Alex Vallespin, tatlo sa mga kaso ng pagpapakamatay ay dahil sa hindi nabayarang utang samantalang ang isa pa ay hinggil sa magulong relasyon.
Dahil dito, sinabi ni Vallespin na may mga inilinya silang forums para sa mga Filipino community sa Hong Kong kung saan magkakaroon ng financial literacy training at seminars na isasagawa kada ikatlong buwan.
By Len Aguirre