Bumaba ng mahigit 50% ang bilang ng mga nagpapakasal sa nakalipas na 10 taon.
Batay ito sa datos ng Philippine Statistics Authority(PSA) matapos makapatala ng mahigit 153K mga rehistradong kasal mula Enero hanggang Setyembre ng 2020.
Mahigit 53% na mababa anila ito sa bilang ng mga rehistradong kasal noong 2019 na umabot sa halos 432k.
Higit na mababa rin anila ito sa naitalang mahigit 482k mga rehistradong kasal noong 2010.
Sa kaparehong pag-aaral, lumabas din na sa buwan ng Pebrero naitala ang pinakamaraming rehistradong kasal sa pagitan ng Enero hanggang Setyembre noong nakaraang taon.
Ayon sa psa, umano’y sa 40,889 na rehistradong kasal ang kanilang naitala sa buwan ng Pebrero noong 2020.
Habang tatlo naman sa bawat 10 kasal sa buwan ng Pebrero ang isinagawa sa Valentine’s day.