Patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga nagpapakasal batay sa pinaka-bagong datos ng Philippine Statistics Authority o PSA.
Simula 2005 hanggang 2015 ay bumulusok sa 20.1% ang bilang ng mga nagpapakasal batay sa mga nakalap na datos na karamiha’y nagmula sa certificates of marriage ng civil registrars sa buong bansa.
Gayunman, hindi nakasaad ang dahilan ng patuloy na pagbaba ng mga nag-iisang dibdib.
Simula noong 2015, nasa 1,100 magkasintahan na lamang ang nagpapakasal kada araw kung saan 42% ang nag-isang dibdib sa pamamagitan ng civil wedding habang 36% ang humarap sa altar o sa simbahan.
Pinaka-marami ang naitala sa National Capital Region o NCR na 14%, na sinundan ng CALABARZON na 13% at Central Luzon na 11%.
By Drew Nacino