Pumalo na sa higit 60 milyong Pilipino ang nagparehistro para makaboto sa susunod na eleksyon sa 2022.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, inaasahan pa nilang madaragdagan pa ang bilang dahil aniya sa nakasanayang last minute registration.
Pero giit ni Jimenez, na kanilang nauunawaan ang ganitong kahirap sa pagpapatala sa publiko kung kaya’t nauna nila aniyang dinagdagan ang oras at araw para makapagparehistro.
Kung kaya’t patuloy ang panawagan ni Jimenez sa publiko na huwag nang hintayin pa ang huling linggo na pagpaparehistro para hindi makaiwas sa siksikan bagay na ipinagbabawal sa umiiral na health protocols kontra COVID-19.
Samantala, sa katapusan ng buwan o a-30 ng Setyembre nakatakdang magtapos ang registration period ng Comelec para sa mga nais na lumahok sa eleksyon sa susunod na taon.