Nakapagtala ang Pilipinas ng COVID-19 positive growth rate na 4%.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, naitala ang positive growth rate na 4% sa NCR kung saan mas mataas ito kumpara sa 3.2% na positivity rate na naitala ng health department nitong Martes.
Batay sa inilabas na datos ng OCTA, bumaba ang seven-day average sa mga bagong kaso sa NCR mula 2,005 hanggang 1,802 sa loob ng one week growth rate na -10%.
Habang naitala naman ang reproduction number sa 0.42.
Ang reproduction rate ay tumutukoy sa bilang ng mga taong nahawahan ng isang kaso.