Bumaba sa 2% ang COVID-19 positivity rate sa Quezon City.
Ayon sa OCTA Research, ito ay mula sa 7-day average ng mahigit sa 3,000 test.
Batay rin sa datos ng OCTA sa 7-day average, bumaba sa 63 ang naitalang bagong kaso sa lungsod, ito na ang pinakamababa simula noong January 2 hanggang 8.
Naitala naman ang -54% na one week growth rate.
Sa kasalukuyan ay may average daily attack rate ang Quezon City na 1.98 kada 100,000 kada araw.