Tumaas pa ang weekly positivity rate sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay OCTA Research Fellow Guido David, sumirit ito sa 15.6% noong September 19 mula sa 13.3% noong September 10 at 14.6 noong September 14.
Ang pag sirit ng kaso ng COVID-19 ay maaaring dulot ng panunumbalik ng face-to-face classes.
Tumaas rin ang positivity rate sa ilang bahagi ng Luzon tulad ng Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna.
Bumaba naman ang positivty rate sa nalalabing probinsya sa Pilipinas gaya ng Cebu at Davao. – sa panulat ni Hannah Oledan