Pumalo na sa mahigit 7,000 ang bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Batay ito sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH) mula kahapon, Abril 24.
Nadagdag dito ang 211 nagpositibo sa COVID-19 na nagresulta naman sa kabuuang bilang na 7,192.
15 rin ang nadagdag sa bilang ng mga nasasawi dahil sa COVID-19 kaya’t umakyat na sa kabuuang 470 ang bilang nito.
Gayunman, sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na mas mataas pa rin ang bilang ng mga recoveries o gumaling sa sakit dulot ng virus na nasa 762 matapos madagdagan ito ng 40 kahapon.