Pumalo na sa kabuuang 41,894 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police o PNP.
Ito’y matapos na maitala ng PNP health service ang 29 na bagong kaso ng virus.
Habang 420 ang bilang ng mga aktibong kaso sa COVID-19 at 41,351 naman ang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19.
Samantala, 123 na ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa PNP.