Nababahala si dating Philippine Ambassador to Vatican Henrietta Tita De Villa sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga Katolikong dumadalo sa misa tuwing araw ng Linggo.
Ito’y makaraang lumabas sa survey ng SWS o Social Weather Stations hinggil sa kahalagahan ng pananampalatay sa buhay ng mga Pinoy.
Batay sa survey ng SWS, nangunguna ang INC o Iglesia ni Cristo sa mg pinakamaraming dumadalo sa lingguhang pagsamba na may siyamnpung porsyento.
Sinundan naman ito ng mga Muslim na may walumpu’t isang porsyento habang pitumpu’t isang porsyento naman ang iba’t ibang sektang Kristiyano habang nasa apatnapu’t isang porsyento naman ang bilang ng mga Katoliko na nagsisimba tuwing linggo.
Ayon kay De Villa, nakadidismaya aniya ang mga kabataan na tinaguriang Millennials dahil sa kawalang pagpapahalaga ng mga ito sa banal na sakramento tulad ng pagsisimba.
By: Jaymark Dagala / Aya Yupangco