Kapansin-pansin ang pagbaba ng bilang ng mga nagtitinda ng paputok sa Bocaue, Bulacan, ilang araw bago ang pagsalubong sa bagong taon.
Ito’y bunsod ng inilabas na Executive Order 28 na nag-re-regulate sa mga paputok at ang magkasunod na pagsabog at pagkasunog ng dalawang fireworks store sa Bulacan, noong isang taon.
Aminado ang mga nagtitinda na matinding naapektuhan ang kanilang hanapbuhay sa inilabas na kautusan ng Pangulo lalo’t nabawasan na ang supply kaya’t tumaas na ang presyo ng mga paputok ngayong taon.
Samantala, naniniwala ang Bureau of Fire Protection na nabawasan na rin ang bilang ng mga ipinagbabawal na paputok dahil sa Executive Order.