Tinatayang 3.1 milyong pamilyang Pilipino o 12.2% ang nakaranas ng gutom o walang makain kahit isang beses sa nakalipas na tatlong buwan.
Batay ito sa Social Weather Stations (SWS) survey noong April 19 hanggang 27 sa 1,440 respondents.
Kumpara ito sa 3 million families noong December at 2.5 million families noong September 2021.
Gayunman, mababa ang April survey ng 0.9 points sa 13.1% annual average para sa taong 2021.
Pinaka-maraming nakaranas ng gutom ang mga pamilya sa Metro Manila, 18.6%; Mindanao, 13.1% balance Luzon, 11.7% at Visayas, 7.8%.