Inanunsyo ng Malakanyang na bumaba ng 2.4% ang bilang ng mga nagugutom na pamilyang Pilipino sa loob ng nakalipas na tatlong buwan.
Batay sa survey ng SWS o Social Weather Stations, lumalabas na mula sa 11.9% noong Marso ay bumaba ito ng 9.5% noong Hunyo.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na first time na nangyari ito simula 2004 sa mga pamilyang nakakaranas ng gutom.
Ipinagmalaki ni Abella, na dahil na rin ito sa pagsisikap ng Duterte administration na maiangat ang buhay ng mga mahihirap na Pilipino at makaramdam ng ginahawa.
Pero, sinabi ng kalihim na marami pang dapat gawin at mabibigyan lamang ng ganap na maayos at komportableng buhay ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng suporta ng lahat ng sektor.
- Meann Tanbio | Story from Aileen Taliping