Bumaba ang bilang ng mga nagugutom na mga Pilipino sa unang bahagi ng 2019.
Batay ito sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan lumabas na 9.5% o katumbas ng 2.3million ng pamilyang Pilipino ang nakaranas ng gutom mula Enero hanggang Marso ng kasalukuyang taon.
Mababa ito ng isang puntos mula sa 10.5% o katumbas ng 2. 4million na pamilyang Pilipino sa katulad na survey noong huling bahagi ng 2018.
Lumabas din sa survey na mas kumunti ang bilang ng mga nagutom na pamilya sa Metro Manila kung saan bumaba ito sa 11.7% o 387,000 na pamilya.
Isinagawa ang survey sa isanglibo’t apatnaraan at apatnapu’t apat (1,444) ng mga respondents mula Marso 28 hanggang 31.