Nabawasan pa ang bilang ng mga pamilyang nagugutom sa Pilipinas sa ikalawang bahagi ng 2015.
Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 2.8 milyon o 12.7 percent ng mga pamilyang Pilipino ang nakaranas ng gutom sa second quarter ng taong ito.
Mas mababa ito sa 3 milyong pamilya o .8 percent ng 13.5 percent na naitala mula Enero hanggang Marso ng taong ito.
Sa nasabing bilang, 2.4 na milyon ang nakaranas ng moderate hunger o nakaranas ng gutom ng ilang beses lamang samantalang 431,000 pamilya ang nakaranas ng matinding gutom.
Ayon sa SWS, ito na ang pinakamababang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng gutom mula 2005.
By Len Aguirre